______________

For comments and suggestions:

Email us at feedback@insidemindanao.com

or send us a message thru our MESSAGE TO THE EDITOR portion on our homepage

First Posted on Inside Mindanao (www.insidemindanao.com) on July 20, 2008

Magsasaka sa dalawang comunidad sa Zamboanga City nagsimulang mag–organic farming
By Khamar Amsain

ZAMBOANGA CITY—Dito sa Barangay Bunguiao, Cuidad ng Zamboanga may dalawang sitio o comunidad na kasalukuyang gumagamit na ng organic fertilizers at organic pesticides sa kanilang pananim. Ito ang Sitio Udjung at Sitio Waray–Waray.

Ayon kina Lourdes Limen at Jesus Lavacanacruz, mga presidente sa associations na tinawag na CONRISIMA Upland Farmers' Association (CUFA) and Udjong Upland Farmers' Association (UUFK), dahil sa paggamit ng organic fertilizers at organic pesticides sa pananim, marami sa mga miyembro ng kanilang associations ang nakatipid ng pera, tumaas ang income, at marami ang naha–harvest na mga produckto.

Karamihan sa mga magsasaka sa Sitio Udjung at Sitio Waray–Waray ay nagtatanim ng gulay.

Dahil sa paggamit ng organic fertilizers at organic pesticides sa kanilang pananim, ligtas ng kainin ng mga mamimili ang produkto nilang gulay dahil wala itong synthetic kemikals at siguradong walang masamang epekto sa kalusugan, ayon pa sa mga nabangit na leaders sa Barangay Bunguiao.

Sa kasalukuyan, ayon sa talaan ng departamento ng City Agriculture dito sa Zamboanga City, kaunti pa lang na mga magsasaka ang gumagamit ng organic fertilizers at organic pesticides sa kanilang pananim.

Basi sa dokyumento galing sa City Agriculture karamihan pa sa mga magsasaka ngayon ay gumagamit pa rin ng mga synthetic kemikals para madaling maka–harvest at kumita ng income.

Ang mga magsasaka sa Sitio Udjung at Sitio Waray–Waray nabigyan ng opportunidad para matuto kung paano gumawa at gumamit ng organic fertilizers at organic pesticides, na hindi na kailangan pang gumastos, sa tulong ng Western Mindanao State University–Reach Out to Others Foundation Bunguiao Eco–Farm Park (WMSU–ROOF BEFP).

END

BACK

NOTICE: Except for music played on Inside Mindanao internet radio, all materials online can be republished for free; provided the publisher Inside Mindanao, writers, photographers, and videographers are credited.
For music copyrights, please contact individual artists.