
______________
For comments and suggestions:
Email us at feedback@insidemindanao.com
or send us a message thru our MESSAGE TO THE EDITOR portion on our homepage
|
First Posted on Inside Mindanao (www.insidemindanao.com) on January 30, 2010
Women's Health Rights are Human Rights
By Lenivel Malazarte–Hedoquio &
Jannette Serrato–Tagaloguin
ZAMBOANGA CITY—Tinitiis ang uhaw. Pinipigil ang pag–ihi. Sinasanay langhapin ang masangsang na amoy. Matibay ang mga paa sa pagtayo ng 8–14 oras sa trabaho. Magbingibingihan sa mga bulyaw ng amo at magbubulagbulagan sa kahihiyan sa mga tao. Pinagkakasya ang karampot na suweldo sa mga pangangailangan, pamasahe at gamot.
Ito ang mga karanasan na ipinamahagi ng mga babaeng canning workers, babaeng therapists, babaeng vendors at salesladies sa ginawang occupational safety and health research na pinamagatang "Health Experiences of Women Engaged in Different Types of Work in Zamboanga City".
Lakas ng loob at tibay ng sikmura ay dapat pakasisiguruhin dahil sa panganib na naka–ambag sa work place – maaaring sexual or verbal harassment at panganib sa daan pag–uwi dahil gabi na (8–9pm) o madaling araw na (2am) nakakauwi.
Pag–uwi ng bahay halos lahat ng trabaho gustong tapusin – maging maasikasong ina at mapagmahal na asawa ayon sa sinaunang tradisyon. Binibilang ang oras sa pagtulog – halos ayaw magpahinga.
May mga panahon mapagdududahan ng asawa ang misis na nakipagrelasyon sa iba o nakipagsex sa client kaya e–check ang panty at dahil sa galit ginagawang punchingbag ang babae.
Paano naman kung totoo na kinapkapan, nag–jakul (masturbate) o nag–gerger (sex) sa costumer dahil sa threat at takot na mawalan ng trabaho?
Karamihan sa kanila ay walang Social Security Service (SSS) o Philhealth benefits man lang.
Mahirap magsumbong sa mga kinauukulan, ayon sa mga babaeng canning workers, babaeng therapists, babaeng vendors at salesladies, tungkol sa katayuan dahil sayang ang kita sa isang araw – no work, no pay; panggastos araw–araw sa bahay at sa pag–proseso, pamasahe papuntang opisina ng Department of Labor and Employment (DOLE), SSS o sa kung saang dapat na opisina; may mga threats galing sa amo na matanggal sa trabaho; ayaw nang tanggapin sa ibang kompanya.
Ang nasabing occupational safety and health research ay isang component ng health program ng Katilingban para sa Kalambuan, Inc. (KKI). Ang KKI ay isang non–government organization na naka–based sa Zamboanga City. Kasama ng KKI sa nasabing research ay ang Mindanao Working Group on Reproductive Health, Gender and Sexuality (based sa Social Research, Training and Development Office ng Ateneo de Davao University sa Davao).
Ang occupational safety and health research na ito ay unique dahil hindi lang siya hanggang write–up. Ito ay action research. Ipinarating sa mga kinauukulan ang mga kuwentong ito. Twelve times ito pinipresinta sa ibat–ibang communities at participated ito ng ibat–ibang government agencies.
Maraming pagkakataon na ipinaglaban ng mga salesladies ang kanilang karapatan pagkatapos masaksihan at naunawaan ang mensahe dala ng occupational safety and health research na ito.
Sa ginawang research dissemination session noong December 7, 2009, sinabi ni Zamboanga City Councilor Lynette Marcos–Abarro, "If people have a heart at alam natin na ito ay tama at nararapat kahit hindi politician o wala sa puwesto sa politika, maraming paraan upang tumulong sa kapwa lalo na sa mga kababaihan for a change."
END
|